WILL ALWAYS BE
Boys.
| — |
|
| — |
|
Boom! Nauntog
yung bata :(
Stop crying little boy.
| — | Oh well. Hindi naman maiiwasan yung ganung eksena kahit na binabantayan ang bata. |
Mall based ang work ko, meron akong naging kaibigan sa dati naming pwesto.
Nakasabay ko sya sa FX kanina, so ayun nga kumustahan and everything.
Biglang napunta sa lovelife.
DIANNE: Yung Boss mo wala pa ring boyfriend? Asawa?
ME: Wala, bawal ang boyfriend sa trabaho namin.
DIANNE: (Naniwala yata) Wee.. Hindi nga?
ME: Hindi. Joke lang. Lahat kasi kame walang boyfriend.
DIANNE: Eh diba may boyfriend ka?
ME: Wala na kame.
(Baba sa FX, habang naglalakad papasok ng mall).
DIANNE: (Chismisan) Bakit? Third Party?
ME: Oo eh. Ganun talaga. Saka matagal na din kameng wala, October pa. Nakakadalawa na ngang girlfriend eh. Ako hindi pa nakakaisa (Tawa)
DIANNE: (Natawa din sa sinabi ko) Last year lang. Sayang naman. May itsura pa naman yun. Ang sipag pang sunduin ka.
ME: (Napangiti na lang)
Buti na lang napunta na sa iba yung usapan. Hehehe!
Hindi naman sa ayoko ng pag-usapan yung Ex ko kaso naisip ko na sya last time, medyo malabo na sa balintataw ko yung mga araw na magkasama kame. Medyo limot ko na yung feeling ng kasama sya (Oo medyo lang kasi hindi naman totally nawawala ang alaala. Naiisip ko pa rin sya minsan pero hindi na ko ganun ka-affected. Unlike dati, isang rinig ko lang sa pangalan nya or anything about him, gusto ko ng umiyak agad. Hahahaha!)
Share ko lang naman :))
LIFE’s UNPREDICTABLE.
You never know what might happen later or tomorrow so live the most out of it.
Nakakalungkot! Isang kaibigan ang namatay dahil sa isang holdapan.
Si Jamina, babaeng laging parang laging galit pero kwela. Babaeng maingay noon sa klase. Babaeng naging malapit din sa kin noon kahit na ngayon sa FB na lang kame magkaibigan. Parang kailan lang nag-comment sya sa status ko.
At naaalala ko pa nung first year high school kame. Ako lagi ang taga-lagay ng eye liner nya. Hindi ka mawawala sa puso ng mga taong nagmamahal sa’yo Jamina.
Hindi ka namin makakalimutan.
Alam naming mas masaya ka na ngayon sa piling ng Diyos.
Rest in Peace Jamina!
http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/06/01/12/cctv-captures-robbery-e-games-branch